Lumaktaw sa pangunahing content

DREAMS 2016

#01












Hello, ito po muna ang una kong ipopost  sa blog dahil inaayos ko pa ang personal testimony ko.

Alam ng DIYOS kung ano nga ba ang mga kasalanan ko. Syempre, wala naman kasi tayong maitatago sa kanya hindi ba? Nagbasa ako ng bible, nang year 2015 at 'yon din ang year na nabuntis ako sa baby ko.

Taon 2016, Nang ipanganak ko ang baby ko. Ilang months na rin akong nananaginip ng mga kung anu-ano. Karamihan nang oras na 'yon ay about sa Great Tribulation (hindi ko ito magets dati dahil naniniwala ako na nauuna ang rapture bago ang antichrist/mahdi). 

Buwan ang lumipas bago ako manganak ay napaginipan ako ng kaibigan ko na babae. Kaklase ko siya ng college ako at hindi naman na kami nagkakaroon ng communication ng nagkaroon kami ng sariling pamilya. Close kami sobra, iyong tipong parehas kaming nagtataguan ng baho ng isat isa. Alam din niya ang mga kalokohan ko at ang mga nagagawa kong mali sa KANYA.

Napaginipan ko siya na nasa harapan ko raw siya. Nakahawak siya sa tiyan niya habang umiiyak.

“Help me, tanggalin mo 'yong sakit,” ang parati niyang sinasabi sa akin. Nang magising ako, nagtataka ako kung bakit napaginipan ko siya ng oras na 'yon.

Natatakot akong mag-approach sa kanya at syempre baka sabihan niya ako ng hipokrito. Magkasangga kami ng bituka kaya alinlangan ako.

Ngunit nagdesisyon na lang ako na kumustahin siya. Hindi naman ako umaasa na magre-reply siya dahil ganoon naman kami pare-parehas sa isat isa. Sabi niya, thankful siya dahil daw nagchat ako dahil may pinoproblema raw siya.

“Napaginipan kita at hindi ko alam kung bakit,” 

Kinuwento ko sa kanya 'yong dream ko na nag-cause ng heartbreak sa kanya. Inamin niya sa akin na tatlong beses na niyang pinahilot sa manghihilot ang baby niya ngunit hindi pa rin ito naalis. 

Natigilan ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Kasi sigurado na ako na gusto ni LORD na huwag niyang ituloy ang abortion na gagawin niya at baka ako ang malapit sa kaibigan ko kaya ako ang sinabihan Niya.

“Nako be. Huwag mo ipa-abort ang baby mo dahil bigay talaga sa'yo ni Lord 'yan. Sa totoo lang kahit anong pilit mo na alisin 'yan nakatakda na talaga na mapapasa'yo 'yan,”

“Huwag mo ng ipa-abort. Alam ko naman na alam mo ang mga pinaggagagawa ko sa buhay ko pero hindi ko rin alam kung bakit sa akin pinakita 'yan,”

Ayaw niyang maniwala sa akin at nagpaschedule pa siya ng another hilot ngunit hindi talaga maalis ang baby na halos ikaiyak niya. She messaged me, na natatakot siya na kung bubuuin pa ang baby niya ay baka raw abnormal na etc..

“I'm sure, hindi naman. Dahil nakatakda na sa'yo ang baby na 'yan. Mas maganda na kausapin mo si Lord at humingi ka ng tawad sa ginawa mo,” 

Minsan, ginagamit talaga tayo ni LORD sa pagwa-warning sa mga kaparehas natin ng kasalanan. Glory to GOD, malaki na ang baby niya ang sobrang healthy with the help of the LORD

Hindi plano ng kaibigan ko na magkaanak ngunit, iba pala ang plano ng DIYOS sa kanya.

Minsan, may mga nangyayari sa buhay natin na sobrang mahirap lagpasan. Ngunit nasa process ang lahat, basta parati natin tatandaan na sa ikakabuti rin naman natin ang magiging outcome no'n.

Maraming salamat sa pagbabasa ng una kong entry. Sa totoo lang ginawa ko lamang ito para sa personal testimony ko kung paano ko nga ba nakilala SIYA.

-Analia Faith

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

DEVOTIONS #1

DATE: November 09, 2023 1:30 AM Why is it difficult for me to remember everything He taught me? Sometimes, I'm thinking... Am I bad if I wish I wasn't born here in the world? I feel guilty... and I can't stop overthinking what will happen next. Perhaps I'm wishing not to be born because of the upcoming judgment that I need to face after I die and get my glorified body. I feel bad for continuing to stumble... The spirit of lust isn't too easy to fight with, but I know I don't have the strength to fight it alone because I need God's help to make them stop... but sometimes I'm thinking... Maybe it's not these spirits fault, but I'm fighting with my own flesh.. I realized that I always said these spirits were the reason why I got to stumble and drown in the mud. At first, they did... yes, I'm sure.. but what about next? I don't think so.  We, Christians, always thought they were the only reason to swim in the midst of sin... No, they are not ...

JOURNAL #1

So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand. Isaiah 41:10 JULY 17, 2022 Minsan nakakapagod na rin talaga ang nangyayari sa mundo ano? Lalo na sa akin, like napapagod na ako sa set-up ng buhay ko. Hindi lang naman ako kundi 'yong iba rin. Minsan parati ko tinatanong SIYA bakit nga ba mahirap ako? Kung mayaman kaya ako ay maganda buhay ko o baka naman pariwara ako lalo no'n. Reklamadora,  isa akong reklamadora na ang daming reklamo kahit naman ang ginagawa ko lang ay ang mamoblema 🤷🏻‍♀️. Katulad ng mga Israelites, na kahit anong gawin ni LORD na pagtulong sa kanila o kahit miracles pa 'yan panay ang reklamo pa rin.  Isa talaga sa grabe ang worries ko kapag nagkakasakit ang anak ko. Like may time kinukulit ko mismo SIYA hanggang sa pagtulog ko. Mahirap kasi na magkasakit ang bata, oo mahirap, lalo na sa parte ko. Gusto ko sana i-share ang personal testimon...