So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.
Isaiah 41:10
JULY 17, 2022
Minsan nakakapagod na rin talaga ang nangyayari sa mundo ano? Lalo na sa akin, like napapagod na ako sa set-up ng buhay ko. Hindi lang naman ako kundi 'yong iba rin.
Minsan parati ko tinatanong SIYA bakit nga ba mahirap ako? Kung mayaman kaya ako ay maganda buhay ko o baka naman pariwara ako lalo no'n.
Reklamadora, isa akong reklamadora na ang daming reklamo kahit naman ang ginagawa ko lang ay ang mamoblema 🤷🏻♀️. Katulad ng mga Israelites, na kahit anong gawin ni LORD na pagtulong sa kanila o kahit miracles pa 'yan panay ang reklamo pa rin.
Isa talaga sa grabe ang worries ko kapag nagkakasakit ang anak ko. Like may time kinukulit ko mismo SIYA hanggang sa pagtulog ko. Mahirap kasi na magkasakit ang bata, oo mahirap, lalo na sa parte ko.
Gusto ko sana i-share ang personal testimony ko ng July 15, 2022. Sobrang laki ng worries and frustration ko mismo sa buhay ko na ang hindi rin naman nakakatulong sa situation ko. Nang oras na 'yon nagdesisyon ako na ipa-check up ang baby ko sa mismong public center sa may Antipolo.
Ngunit kahit sa umaga pati sa second batch, naubusan kami ng number kaya hindi kami maasikaso. Nang oras na 'yon grabe ang frustration ko, kung mayaman lang sana ako siguro kahit private hospital pa 'yan ay madadala ko roon ang anak ko. Mabilis din siyang maasikaso at hindi namin kailangan gumising ng umaga upang pumila ng sobrang haba upang makakuha ng numero.
Gusto ko na talaga dalhin siya sa public hospital sa may Antipolo. Ngunit, datapwat, subalit...
Paano 'yong laboratories? Paano 'yong ganito, ganyan? Sino ang magbabantay kung kailangan kong pumasok? Grabe ang pressure ko sa life ko. Although, I keep saying na nandiyan si LORD to provide everything I need pero may time na nahihiya na rin ako lalo na sa mga sisters in Christ ko na patuloy na ginagamit ni LORD para i-help ako.
Alam naman Niya na mas gusto kong tumulong sa iba, financially, ngunit ako pa ang tinutulungan. Iniisip ko parati na si ate ganito, mas need niya ng money tapos ganito na naman. Grabe ang frustration ko na sobrang ingay ng utak ko (parati naman lol).
Nang oras na 'yon bumili ako ng fruits para sa anak ko. Then ayon na naman ako (advance ako masyado beh,) kahit kuryente na hindi pa naman bayaran pinoproblema ko na ng matinde lol.
Kung ano-anong reklamo ang sinabi ko then HE spoke,
“What are you afraid of? I was the ONE who's helping you, not them,”
Then HE makes me realized na 'yong mga kapatid ko sa pananampalataya ay mismong ginagamit ni LORD to help me and syempre sumusunod din naman sila kay LORD. Nakakahiya man aminin, natameme ako no'n. Kasi parang pinagalitan ako.
'Yong pagtulong ng mga kapatid ko sa pananampalataya ay mismong tulong ni LORD sa akin. At SIYA na ang bahala gumawa ng parte NIYA sa kanila.
Nakakahiya talaga na naging emotional ako. Naluha pa ako after hearing it.
LORD, I'M SORRY FOR EVERYTHING. :(
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento